Pamilya ni Mary Jane Veloso masayang bumalik ng Nueva Ecija galing Indonesia

DUMATING  na ang pamilya ni Mary Jane Veloso nito lamang January 15, 2016 bandang alas dos ng madaling araw sa Cabanatuan City, matapos ang apat na araw na biyahe sa Jogjakarta, Indonesia, kung saan binisita nila si Mary Jane upang kumustahin ang kalagayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-32 kaarawan nito.

Sinamahan ng DFA ang pamilya Veloso na kasama rin ang Philippine and Indonesian lawyers at Migrante na dumating noong January 11, 2017 sa Indonesia at kinabukasan ay binisita si Maryjane (January 12, 2017), nagdaos ng simpleng birthday celebration sa loob mismo ng kulungan sa Wirongunan Lembaga prison sa Jogjakarta, Indonesia.
January 13, muli silang bumalik sa kulungan at ginugol ang buong umaga para makasama si Maryjane at nagpalitan ng kwento .

Kwento ni nanay Celia, mahigpit na yakap ni Mary Jane ang sumalubong sa kanila, napaluha siya nang magkwento ito na nakikipaglabada siya sa mga kasama niyang preso para lamang may ipambili ng personal na gamit niya, nakalaya na raw kasi ung isang chinese na tumutulong sa kanya dati. Nagulat si Nany Celia nang makita ang mga marka ng sugat o galis sa katawan na kumalat hanggang ulo ni Mary Jane nang dahil daw sa mga kagat ng insektong may lason, hindi lang si mary jane ang ginalis pati ang mga kasama nito sa loob ng bilangguan.

Dagdag pa ni Nanay Celia, aktibo sa simbahan si Mary Jane, may katungkulan na ito, siya ang madalas magbasa ng bible kasama ng spiritual adviser na isang Jesuit brother. Mas maalam na raw magsalita ng Bahasa si Mary Jane ayon pa kay Nanay Celia.

Walang naiabot na regalo si Mary Jane na kanyang personal na ginagawa dati para sa kanyang dalawang anak na sina Mark Daniel and Mark Darren. Wala raw kasing sumusuporta o tumutulong dito. Pinasalubungan naman ng 2 bata ng isang dosenang under wear at pagkain na ikinatuwa ng inang si Mary Jane.

Naging emotional umano si MJ, nang malapit ng matapos ang visiting hours bandang 11:30am , at bago sila umalis, hiniling ni MJ na basahin ang John 15: verse 47 sa bibliya at nagbigay ng maikling reflection na ang mensahe ay pag-asa at inspirasyon sa buhay, kung saan ang tanging hinihiling ni Mary Jane ay makasama sa susunod na pasko at sa kanyang kaarawan ang buong pamilya na wala sa kulungan at walang guwardyang nagbabantay sa paligid niya.

At muli iginiit ni Mary Jane na siya ay inosente, napatawad na niya ang iligal recruiter na nambiktima sa kanya na siyang dahilan kung bakit nakulong sa Indonesia noon pang 2010.

Nagpapasalamat si Nanay Celia sa Department of Foreign Affairs o DFA (kasa-kasama nila ang 2 staff na si Rose at Ellaine) dahil bago umalis ay ibinili pa ng mga personal supplies si Mary Jane at ito rin ang naghanda ng kanilang pinagsalu-saluhang pagkain sa birthday ni Mary Jane. Nagpapasalamat ang buong pamilya sa kabutihang ginawa ni Secretary Perfecto Yasay na nagfacilitate ng pagbisita ng pamilya kay MJ sa Indonesia, kasama ang grupong Migrante.