Minaltratong OFW sa Saudi Arabia na isang Guimbanian nakauwi na sa Pilipinas!

  1. NAKAUWI na rito sa Pilipinas noong nakaraang Lunes, Januarey 9, 2017 si Julie Vale...roso- Gamit, 38 years old, may asawa at isang Overseas Filipino Worker sa Riyadh, Saudi Arabia, na tumakas sa kanyang Arabong amo noong nakaraang taon, dahil sa pagmamaltrato at tangkang panggagahasa sa kanya.
  2. Malayo sa karaniwang dumadating sa airport na OFW, isang bag ang daladala ni Julie nang salubungin ng kanyang nanay na si Felomina Valeroso, kasabay ang apat pang OFW na pawang mga walang pamasahe pauwi sa kanilang mga probinsya, kaya nagsiksikan na lamang ang lima sa taxi ng pamangkin ni Nanay Felomina na kanilang sinakyan na tumuloy sa opisina ng OWWA para makahingi ng pamasahe pauwi ng probinsya.
  3. Walang dala ni anumang bagay na pasalubong sa pamilya si Julie kundi ang ilang pirasong damit na ipinahingi ng mga kapwa OFW na nakasama sa Bahay Kalinga ng POLO-OWWA na siyang laman ng kanilang bitbit na bag.
  4. Ika-29 ng Disyembre nang sila ay pinuntahan ng Embahada ng Pilipinas sa ilegal na ahensyang kinaroroonan niya, at lima umano silang kinuha mula rito. Hanggang sa ipinroseso ang kanilang mga papeles upang makauwi na sila rito sa Pilipinas.
  5. Kwento ni Julie Gamit nang ating kapanayamin sa radyo, ibinenta siya ng kanyang amo sa isang illegal agency na kung saan ay pinagtatrabaho sila rito ng walang sahod,bawal silang gumamit ng kahit na anong electronic gadget tulad ng celphone kung kaya’t hindi sila maka kontak sa kanilang pamilya habang narooon.
  6. Gayunpaman, nakapagpuslit sila ng isang celphone sa loob na kanilang inilagay sa loob ng supot ng mga bigas upang hindi makita ng mga nagbabantay at dito ay nagkaroon sila ng pagkakataon na kontakin ang Embahada ng Pilipinas para sila sila ay mairescue.
  7. Siyam na buwang hindi sumuweldo si Julie, simula nang umalis ito umalis sa Maturanoc Guimba noong March 2016 upang mamasukang katulong sa Riyadh Saudi Arabia.
  8. Pero sa unang buwan ay pinatikim ng kanyang sahod si Julie ngunit kinuha rin ng amo nang ito ay kasuhan at ipakulong ng dahil sa kagustuhang niyang umuwi na lang sa Pilipinas at ibalik sa Philippine Embassy at sa huli ay kinasuhan pa umanong illegal worker dahil walang working permit..
  9. Pinagtrabaho din si Julie ng isang buwan sa nanay ng unang amo ng walang sweldo, bago ibinenta sa illegal agency sa halaga umanong 25,000 riyadh. At habang siya ay nasa illigal agency ay ibinenta naman ito ng 30,000 riyadh ng kanyang boss dito para magtrabaho (maglinis) ng ibat ibang bahay ng mga arabo na wala ring tinatanggap na sweldo.
  10. Aalis ng alas tres ng hapon hanggang alas diyes ng gabi para magtrabaho, babalik sa tirahang parang kamalig (bodega) walang beddings kaya sa lapag sila natutulog, at ang pagkain ay kulang na kulang dahil sila ay nag-aagawan, wala ring platong ginagamit sa pagkain kundi diretso na sa kalderong lutuan.
  11. Ang opisina ng illigal agency ay nakatago, walang karatula pero nasa Riyadh din na hindi malayo para marating ng mga taga Philippine Embassy roon, nasa 2 oras ang biyahe bago marating ito.
  12. Matatandaan, ika-15 ng Agosto 2016, nang personal na sumadya rito sa istasyon ng Radyo Natin Guimba ang kanyang ina na si nanay Felomina, residente ng barangay Manacsac, bayan ng Guimba, kanyang idinulog ang problema ni Julie na iniugnay naman kaagad sa grupong Migrante, mula rito ay kumilos na si Nanay Felomena at pana-panahon ay nag-uupdate sa kanyang paglalakad sa Radyo Natin Guimba.
  13. Hindi napanghinaan ng loob si Nanay Felomina, at sa halip humugot siya ng lakas kay Julie para maisalba niya ang buhay nito sa panganib.
  14. Buo na ngayon ang pamilya ni nanay Felomena, kasama na ni Julie ang kanyang asawa't anak na na minsa'y nangarap na
    makapag-abroad bilang domestic helper para maiahon sa kahirapan ang pamilya't mapag-aral ang mga anak bagkus isang bangungot pala dahil sa pagdurusa't kahirapan sinapit nito sa pangingibang bansa.
  15. Lubos na nagpapasalamat ang pamilya ni Julie Valeroso- Gamit sa lahat ng mga tumulong sa kanila, sa kanyang ka-barangay at ilang nanunungkulan sa bayan na nagbigay ng pamasahe sa paglakad sa mga tanggapan ng OWWA, POEA, DFA. Gayundin nagpapasalamat ang pamilya Valeroso sa Radyo Natin Guimba at sa Migrante na tunay na gumabay at nagmalasakit sa kanila.