Mag-ingat sa Budul-budol: pekeng buyer ng palay gumagala, mga magsasaka binibiktima

  1. KAPAG may nasulyapang nagbibilad ng palay sa kalsada, paparadahan ng trak at tatanungin kung ibebenta ba ng magsasaka ang palay. Makikipapagtawaran kunwari sa presyo, ibibigay sa tawad o hirit ng magsasaka na itaas naman ng kaunti, hindi na ito makikipagkulitan, mabilis lang ang transaksyon. Kasunod ay titimbangin na agad ang palay at pagkatimbang ay diretsong isasakay na sa trak at saka kakaripas ng takbo, ang pobreng magsasaka hindi na binayaran. Ito ang modus operandi ng gumagalang pekeng buyer ng palay.
  2. Nitong Oktubre 28, bandang alas-9 ng umaga, nabiktima ang isang magsasakang nagbibilad ng palay, ayaw ng magpabanggit ng pangalan, residente ng Barangay Manggang Marikit, Guimba, Nueva Ecija. Huminto ang isang elf na puti na may stripe na green sa gilid ng kalsadang may bilad na palay. Ang Elf truck ay may plate number na RGU-189, nakasakay sa likod ng track ang 5 pahinante at isang sakay naman unahan, lahat sila ay pawang mga lalaki.
  3. Nagtanong kung ibinebenta raw ba nito ang kanyang palay at dahil ibebenta nga at inaasahang may kukuha rin ng palay niya nang araw ding iyon. Ang tanong ng magsasaka, “kayo ba ang kukuha ng palay ko, sumagot ng “oo” mga taga Cuyapo kami”, kung kaya’t agad tinimbang ang 35 kabang palay. Nagtataka ang may-ari kung bakit umabot lamang ito ng 500 kilos nang timbangin gayong bagong bilad at 35 cavans nga ang ibinuhos niya sa kalsada, at nagkasundo sila sa presyong P14.00 per kilo. Mabilis ikinarga ng mga kawatan pagkatapos timbangin.
  4. Nalingat saglit ang magsasaka, umarangkada na ang mga kawatan at ibinato sa kanya ang halagang P4,700.00 sa kalsada kapalit ng 35 cavans.
  5. Hinabol ng magsasaka kasama ang kanyang mga kaibigan at kasamahan sa baryo ang truck ng mga suspek na patungong Panggasinan, nang hindi makita ang elf sa lugar na iyon, ay sinubukan sundan patungong Tarlac at dito nakita ang sasakyan na may iba pang kargang palay na tinatayang nasa 150 kaban, nakipag habulan sa bayan Victoria kung saan dito nila namataan at pagdating sa bayan ng Pura ay kanilang naabutan. Hinarang pero nakalusot pa rin ang elf
    Alas-3:00 ng hapon, ipina-blotter sa Guimba Municipal Police Station.
  6. Lunes, kinumpirma ng magsasaka sa LTO-Baloc ang plate number na nakuha. Nakarehistro sa nagngangalang Rolando Bautista na residente ng barangay Calipahan, Talavera, ngunit ng makausap ito ay matagal na umanong naibenta sa nagngangalang Toto Maranias na residente ng barangay Zamora, Tayug, Panggasinan.