3 araw na DAR occular Inspection sa Gallego Estate sa bayan ng Nampicuan, isasagawa ngayong araw

  1. NGAYONG Oktubre 26, 2016, ang unang araw na isasagawa ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang isang occular inspection sa lupang pag mamay - ari ni G. Manuel Gallego na sumusukat ng humigit 98 ekrarya.
  2. Ang occular inspection ay resulta ng dialogue ng Nagkakaisang Magsasaka ng Nampicuan (NAMANA) sa Central Office ng DAR noong Oktubre 14, 2016. Tatagal ang pag-iinspeksyon ng 3 araw.
Samantala, mapapansin sa harapan ng gate ng Gallego Estate ang 2 streamer na may nakalagay na "PAUNAWA SA PUBLIKO: Ito ay pribadong lupa na may CARP Exemption Coverage sa ilalim ng Case No. Ex- '95-029, Docket No. I-0303-062895, September 26, 1995. Ipinagbabawal ng Gallego Institute of Agriculture Industry (GIAI) ang pagpasok ng opisyal ng DAR o sinumang nais mang-angkin o mang-agaw ng pribadong lupa base sa Republic Act No. 9700. Ang kapangyarihan ng DAR na isailalim ang pribadong lupa sa compulsary acquisition ay lumipas na noong June 30, 2014. Sinuman na magpumilit na pumasok ay masasampahan ng kasong kriminal. GIAI Management and Registered Owners".
  1. Maaga pa lamang ay may mga kapulisan ng nagbabantay sa lugar. mula sa PNP Nampicuan, PNP Cuyapo, PNP Guimba at Provincial Public Safety Company ng Cabanatuan City.
  2. Ang mga petitioners naman na mga magsasaka ay nakatakdang lumahok sa isang briefing sa Munisipyo bago tumungo sa asyenda. Maging si Ex Mayor Lacurom na tumayong Legal counsel ay pupunta rin.