pinatay

Pamilya ng sinaksak na lider magsasaka sa Cuyapo maghahapag ng kaso

MAGHAHAPAG umano ng kasong murder at frustrated murder ang pamilya ng lider magsasaka na si G. Mariano Valdez, 67, residente ng Barangay Cacapasan, Cuyapo, matapos itong mapatay sa saksak ng suspek na nagngangalang Angelito Catchola, na nag-amok sa isang kasalanan sa kanilang lugar noong gabi ng Sabado, ika – 21 ng Enero.

Kauuwi pa lamang na Balikbayan Binaril, Patay!

PATAY ang isang kararating pa lamang na  Balikbayang nang pagbabarilin kahapon ng umaga, Marso 20, 2015, sa Danzalan St. Sta. Veronica District, bayan ng Guimba.

Sa panayam kaya Aling Helen Tiofianco, kausap nito ang biktima na si Abner Abuan nang mangyari ang insidente. Kasalukuyan silang nagku-kwentuhan bandang 6:30 ng umaga nang bigla itong makarinig ng mga papalapit na putok ng baril.  Mabilis aniya siyang nagtatakbo sa loob ng kaniyang bahay at pagkatapos ng putukan, nang siya ay lumabas, nakita nito na nakabulagta na si Abuan.

Agad namang isinugod sa Guimba General Hospital ang biktima subalit binawian rin ng buhay habang nilalapatan ng lunas mula sa mga tinamong tama ng baril sa ulo, balikat at tiyan,  ayon kay Konsehal Dr. Felix Lumang.

Samantala, ang suspek ay nakasuot ng helmet, mask at jacket.  Mabilis itong nakatakas palayo ng iang Mio motorcycle.

Kagawad ng Ayos Lomboy Patay matapos barilin sa Rufina Homes

PATAY ang isang Barangay Kagawad ng Ayos Lomboy, bayan ng Guimba matpos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kagabi, Setyembre 7, 2014,  sa Rufina Homes Subdivision, habang ang babaeng kinakasama ay tinamaan din.

Ang Kagawad ay kinilalang si Jimmy Dela Cruz, 45, may asawa, ahente ng palay at pakwan habang ang kinakasama nito ay kinilala namang si Marieta Medina, 47, balo, residente sa nasabing subdibisyon.

Sa ulat ng Guimba Police Station, dakong a8:00 ng gabi nang dumating ang Kagawad sa lugar ng kinakasama. nang binuksan  ni Medina ang gate para papasukin si Dela Cruz  ay isang lalaki ang lumitaw at pagbabarilin ito. Tinamaan din si Medina ngunit nagawa nitong makapaok sa loob ng bahay. Patay agad ang Kagawad habang  ang kinakasama na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kamay ay isinugod sa Guimba General Hospital at kasalukuyang nasa intensive care unit.

Kapitan Libunao ng Sta Lucia, Guimba, Pinatay ng riding in tandem

PATAY ang Punong Barangay ng Sta. Lucia, dito sa bayan ng Guimba na si Kapitan "Boy Alvin" Libunao, 39, matapos na pagbabarilin kagabi (Setyembre 12, 2012) sa nasabing Barangay ng mga suspek na riding in tandem.

Sa spot report ng Guimba Police Station, pagitan ng 7:30 hanggang 8:20 ng gabi, nang magtungo sina Kapitan Libunao, kasama sina Rodolfo Corpus ng St. John District at Joey Vengco, residente rin sa Sta. Lucia sa bahay ng ka-barangay  na si Jhong Domingo at doon ay nag-inuman.

Pastor, asawa at anak, pinaslang sa Zaragosa

 

ISANG pastor, kanyang asawa’t anak ang pinaslang  kamakalawa (Abril 11, 2012) ng madaling-araw sa Barangay Mayamot, Zaragosa kung saan usapin sa lupa ang sinisilip na dahilan.

Kaso ng pamamaslang sa Guimba ngayong 2011 Dosena na ngayong Nobyembre

 

UMAABOT na sa 12 ang kaso ng pamamaslang sanhi ng  pagnanakaw, alitan at karamihan ay di matukoy na motibo  ang naitala ng RNG  mula noong ika-7 ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Sa  12 kaso, 4 ang nabiktima ng riding in tandem, 2 biktima ang binaril sa ulo sa loob mismo ng tahanan ng mga ito, isa ang binaril sa lansangan, isa ang pinagnakawan at pinatay, isa  ang nilunod sa putikan at pinalo sa ulo, isa ang sinaksak at 2 ang tinaga sa ulo.

85 anyos na Lolo Patay sa pamamaril

 

PATAY  ang isang 85 anyos na Lolo matapos barilin habang kinukuha nito ang alagang kambing sa isang bakanteng warehouse sa tapat ng sari-sari store sa Barangay Saranay, Bayan ng Guimba, noong Biyernes ng hapon, nobyembre 18, 2011.

Ang Lolo ay nakilalang si Jaime Alejandro y Calica, balo, may 5 anak at residente ng 39 L. de Ocampo Street Saranay District habang walang pagkakakilanlan sa (mga) suspek.

Pintor ng sasakyan Pinagbabaril ng riding in tandem sa Cawayang Bugtong Patay

 

PATAY ang isang pintor ng mga sasakyan matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa, Nobyembre 10, bandang 2:00 ng hapon sa tapat ng inuupahang bahay nito sa Zulueta Subdivision, Cawayang Bugtong, bayan ng Guimba. 

Ang biktima ay kinilalang si Antonio “Tony” Beltran, 46, may asawa’t limang anak.  

Hinihinalang myembro ng sindikatong Gallardo Group Inambus Patay!

 

PATAY ang isang lalaking pinaghihinalaang myembro ng sindikatong Gallardo Group matapos na ito ay ambushin nitong Myerkules , Nobyembre 9 dakong 6:30 ng umaga sa Barangay San Francisco, Sto. Domingo.

Ang biktima ay kinilalang si Rogelio Gallardo Jr. y Somera, alyas Pepe, 30, residente ng Barangay Dolores sa nasabing bayan.

Isang Appliances Technician sa Saranay Pinagbabaril ng riding in tandem Patay !

 

PATAY ang isang 22 anyos na Appliances Technician matapos  pagbabarilin ng riding in tandem sa mismong tapat ng tahanan nito sa Barangay Saranay, Bayan ng Guimba,  dakong 6:53 ng gabi ng Myerkules, Oktubre 12, 2011.

Ang biktima ay kinilalang si Dennis Lindain y Matias, may asawa at residente ng nabanggitna barangay habang ang riding in tandem na mga suspek ay hindi nakilala.

Nagsosolong Lola sa Tahanan Ninakawan na Pinatay pa

 

NATAGPUANG patay ang isang Lola na nagsosolo sa tahanan nito sa Barangay Saranay, bayan ng Guimba na pinaniniwalang pinagnakawan, kamakalawa, Oktubre 5, 2011.

Kinilala ang Lola na si Gng. Angelita Barrera, 72, balo, dating kamadrona at may 3 anak na nasa Amerika.

Sa panayam sa katulong nito na si Aida Mallari, 56, residente ng Barangay San Roque, at 8 taon ng naninilbihan sa biktima, tumutungo ito sa bahay ng biktima tuwing 5:00 ng hapon para samahang matulog ang huli at tuwing 10:00 ng umaga ay umuuwi na sa kanilang bahay.

Kapatid na may diperensya sa pag-iisp Napatay sa saksak

 

TADTAD sa saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan na naging  dahilan ng kamatayan ang sinapit ng  isang lalaking may diperensya  sa pag-iisip, mula sa kamay ng sarili nitong kapatid, sa bayan Quezon nitong nakaraang Sabado ng gabi, Setyembre 10, 2011.

Kapitbahay natagpuang patay sa loob ng tahanan matapos na marinig ang sunud-sunod na putok sa Barangay Maturanoc

 

NATAGPUANG patay ang isang lalaki sa mismong tahanan nito sa Barangay Maturanoc, Guimba na nakahandusay at naliligo na sa sariling dugo kamakalawa ng gabi matapos marinig ng kapitbahay ang sunud-sunod na putok ng baril.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Christopher Cayan Y Felipe, 35, binata, walang trabaho habang ang nakarinig naman ng putok ng baril ay ang mga pinsan nitong sina Lorna Gacutan Y Balintag at Angelito Cayan Y Balintag.