Patay

4 holdaper, Patay sa engkwentro sa Tampac-1

Patay sa naganap na engkwentro ng pinagsanib na puwersa ng PNP Guimba at Provincial Public Safety Company (PPSC) ang apat na hinihinalang holdaper, kahapon ng madaling-araw, Marso 12, 2017.

Kapa-panganak na Ginang Hindi na nagising

DEAD on arrival ang isang inang nanganak noong isang lingo sa Tarlac Provincial Hospital, matapos na duguin kaninang umaga , Hulyo 7, 2014 at hindi na magising.

Ang Ginang ay kinilalang si Carla May Estabilo, 24, may asawa at residente ng Barangay Galvan, bayan ng Guimba.

Sa panayam sa ama nitong si Mang Hoben Concepcion at kay Mira Meeligrito, BHW sa naturang barangay, dakong 6:00 ng umaga, ginigising si Estabillo ng kapatid nito dahil sa nakitang dugo sa suot nito, subalit hindi ito magising kahit anong gawin nila kaya mabilis itong isinugod sa Guimba General Hospital (GGH) ngunit ideneklarang dead on arrival ng mga doktor na tumingin dito.

Ayon kay Mang Hoben, wala namang nasasabing karamdaman, sa kanila, ang anak kaya laking gulat ng mga ito sa nangyari.

Sa panayam kay Komsehal Dr. Felix Lumang ng GGH, lumambot aniya ang matris ng ginang kaya dinugo.

Bata, natagpuang patay sa pinaglublubang timba

PATAY ang isang taon at apat na buwang gulang na batang babae, matapos na malunod sa balde na may lamang tubig noong byernes ng hapon, Abril 4, 2014, sa Sityo Singat,  Barangay Lennec, Bayan ng Guimba.

Ang bata ay kinilalang si Samantha Cabral. Sa panayam sa ina ng bata na si Tessie Cabral, 43, dakong 5:00 ng hapon nang makita ni Melody Cacatian, kaibigan ng nakakatandang anak ni Ginang Cabral, na nakalublob na sa balde kung saan ay nakaangat ang mga paa ng bata.

Pahayag ng Ginag, nagtutupi siya noon ng mga damit at nakikipag-kwentuhan. Kampante umano siya na ligtas ang bunsong anak sa pag-aakalang alaga ito ng kaniyang nakatatandang anak.

Driver at pasahero ng tricycle Patay sa pick-up

PATAY ang driver at pasahero  ng isang tricycle matapos na mabunggo ng isang pick-up sa highway ng Barangay Maturanoc, bayan ng Guimba, noong Biernes ng hapon, Nobyembre 22, 2013.

Kinilala ang mga biktima na sina Fernando Gelilio y Aguilar, 51 anyos, may asawa, Hepe ng Tanod at ang driver ng tricycle na black Suzuki Bajaj, may plakang 8052 RJ na si Leonardo Hermano y Bayudan, 54 anyos, kapwa residente ng Barangay Bibiclat, bayan ng Aliaga.

Ang bumunggong kulay puting Toyota Hi-Lux ay minamaneho naman ni Benedicto Sazon y Garces, 64, may asawa, outgoing  ABC President at residente ng Barangay Pulong Buli, Sto. Domingo.

Sa ul;at ng Guimba Police Station, dakong 3:15 ng hapon,binabagtas ng 2 sasakyan ang magkasalungat na direksyon ang  Provincial Road sa Maturanoc kung saan lumiko pakaliwa ang tricycle patungo sa Petron Gasoline Station ngunit nabangga ng paparating na pick up.

Lalaki Natagpuang nakabitin sa bintana ng bahay, Patay!

NATAGPUANG nakabigti sa bintana  at wala ng buhay ang isang lalaki sa barangay Sta. Veronica, bayan ng Guimba, kahapon ng umaga, Nobyembre 7, 2013.

Ang biktima ay kinilalang si Mauro Sison, 70, may asawa, retailer ng bagoong at asin at residente sa nasabing Barangay.

Dakong 5:00 ng umaga nang makita ng pamilya ang bangkay ng biktima na nakabigti sa silid nito, sakal ng sinturon.

Sa panayam kay Gng. Carmen Sison, asawa ng biktima, bago ang insidente ay nagpapabili ng lubid ang biktima na na-confine sa ospital, kamakailan, dahil sa diabetes.

Samantala, tumanggi ang mga kaanak na paimbestigahan pa ang insidente subalit nagsagawa pa rin ng standard opertional procedure ang Guimba PNP at SOCO.

Bangkay ng babae Natagpuan sa lansangan ng Narvacan Uno

ISANG hindi nakikilalang bangkay ng babae ang natagpuan sa Barangay Narvacan Uno, Bayan ng Guimba noong Biernes, Setyembre 6, 2013, ang hanggang sa kasalukuyan ay wala pang kumukuhang kamag-anak sa pinaglagakang punerarya.

Sa panayam kay PO2 Oliver Magsilang, imbestigador ng Guimba Police Station, dakong 2:00 ng madaling araw ng ipagbigay alam sa kanila ang tungkol sa natagpuang bangkay sa lansangan ng Narvacan Uno.

Sa panayam naman kay G. Benny Alejandro, manager ng St. James Funeral Parlor, nabantid na maraming bale sa katawan at bitak ang ulo ng bangkay. Pimaniniwalaan umano ng otoridad na ito ay biktima ng "hit & run".

Ang biktima ay may taas na 5 feet, kayumanggi at nasa edad 25-30. Nakasuot ng black floral na long sleeve, blue jogging pants at may red rosary, dagdag ni Benny.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay nananatili pa rin sa punerarya ang bangkay.

Ginang at anak Natagpuang wala ng buhay sa isang abandonadong bahay

ISANG  Ginang ang natagpuan kaninang madaling araw, Setyembre 5, 2013, na nakabitin sa lubid at may tarak na kutsilyo sa dibdib habang ang 3 buwang anak nito ay nakalublob sa isang timbang may tubig sa isang abandonadong bahay sa Barangay Triala, bayan ng Guimba, pawang wala ng  buhay.

Kinilala ang Ginang  na si Cristina Eugenio y Regacho, 35 at ang anak na si Miko.

Sa spot report ng Guimba Police Station, natagpuan ang bangkay ng mag-ina bandang 5:00 ng madaling araw ni Randy Eugenio, bayaw ng Ginang.

Nakabigting lalaki natagpuan sa Pasong Inchik

PATAY na ng matagpuan ng kamag-anak ang nakabigting katawan ng isang lalaki sa Barangay Pasong Inchik, bayan ng Guimba, kahapon ng umaga., Agosto 12, 2013.

Kinilala ang biktimang si Edgardo Guiam y Torio, 53, may-asawa at residente sa nasabing barangay.

Sa ulat ng Guimba Police Station (GPS), dakong 5:00 ng umaga nang makita ng mga motoristang dumadaan ang katawan ng biktima na nakabitin sa labas ng kusina ng bahay. Sa larawan ng GPS, makikita na nakabitin ang biktima mula sa pamakuang kahoy ng bubong ng kusina ngunit sumasayad ang paa nito sa flooring. 

Sa panayam nila SPO4 Romel Catabona sa kamag-anak ni Guiam, gusto na aniya nitong mamatay dahil sa mga karamdamang diabetes at alta presyon kung saan ay na mild stroke na umano ito. Hiniling na umano ng mga kamag-anak na isara ang imbestigasyon dahil kumbisido silang totoong nagpakamatay ang biktima.

 

Ginang sa Barangay Subul, Patay sa naputol na kawad ng NEECO II

PATAY ang isang Ginang matapos na ito'y makuryente kagabi, Mayo 23, 2013, sa Barangay Subol, bayan ng Guimba.

Kinilala ang biktimang si Jocelyn Gallardo, 32, may-asawa at residente sa nasabing Barangay.

Ingat Yaman ng Nagpandayan natagpuang patay sa Manacsac

ISANG lalaking nakahandusay sa lansangan, malapit sa nakatumbang motorsiklo at waiting shed,  ang natagpuang patay ng isang magsi-singkamas na umiikot sa Barangay Manacsac, bayan ng Guimba dakong 6:00 ng umaga, kamakalawa, Marso 14, 2013.

Sa ulat ng Guimba PNP, nakilala ang lalaki na si Erwin Rigor Y Gantala, 27 anyos, may asawa at Ingat Yaman ng Barangay Nagpandayan. Wasak naman ang motoksiklong kulay itm na Honda TMX,  may plakang 6740 RO, pag-aari ng biktima habang may marka ng banga ang poste ng waiting shed.

Bangkay natagpuang lulutang-lutang sa patubig

ISANG nakahubad na bangkay ng lalaki ang natagpuan sa irrigation canal ng Barangay San Roque, Guimba na palutang-lutang kahapon ng umaga, Pebrero 24, 2013.

Kinilala ang bangkay na si Reynaldo Isla Balas, 55, may-asawa at residente ng Barangay Ling-Lingay Lungsod Agham ng Munoz.

Sa impormasyong nakalap sa Guimba Police Station (GPS), dakong 9:20 ng umaga nang makita ng mga construction worker na gumagawa ng kalsada sa Barangay San Roque ang nasabing bangkay kung saan ay 2 residente doon nag-ahon sa tubig.

Matandang Binata sa Manacsac, Natagpuang Patay

BANGKAY na ng matagpuan ang katawan ni Mang Edilberto Andaya y Lanoria, 57 anyos,  binata, isang magsasaka, na may saksak sa tiyan at wala ng buhay noong Lingo ng umaga, Pebrero 17, 2013, sa Barangay Manacsac, bayan ng Guimba.

Binata Patay sa Riding in Tandem

PATAY ang isang binata sa Barangay San Antonio, bayan ng Cuyapo, matapos pagbabarilin ng 2 hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo, kaninang madaling araw (Enero 8, 2013).

Ang biktima ay kinilalang si Leo Espiritu, 26, kargador ng palay, residente sa nasabing barangay.

Sa panayam kay  Rene Espiritu, kapatid ng biktima, pagitan ng 4:00 hanggang 5:00 ng umaga nangyari ang pamamaril nang a lumabas ng bahay at magtungo sa kalsada ang biktima.

Bangkay ng isang lalaki, natagpuan sa Agcano

 

ISANG bangkay ng lalaki ang natagpuan sa  Barangay Agcano, Guimba  malapit sa tri-boundery ng Licab at Victoria, noong Biernes ng umaga, Agosto 31, 2012 kung saan ito ay may tama ng baril sa ulo.

Ang biktima ay kinilalang si Miguel De Jesus, 48, may asawa at residente ng Barangay Sto. Rosario Old, bayan ng Zaragoza.

Nawawalang Ama, natagpuang bangkay

BANGKAY na nang matagpuan ng pamilya si Fernando Villanueva Jr. ng Barangay San Bernardino, Guimba, na noong Agosto 20 ay pinanawagan sa RNG na nawawala noon pang Agosto 16 ng gabi.

Sa panayam kay Raniel, anak ni Fernando, pagkagaling nila sa radyo ay gumawi sila ng paghahanap sa maputik at madamong bahagi ng kanilang barangay at  sa layong humigit kumulang 100 metro mula sa kanilang tahanan ay natagpuan ang hinahanap na isa ng  bangkay at nasa state of decomposition, agad silang nag-ulat sa Guimba Police Station.

Bangkay na natagpuan sa Parukot, nakilala na ng pamilya

NAKILALA na ng kaniyang pamilya ang bangkay ng lalaking natagpuan sa Barangay Parukot, bayan ng Quezon, kahapon ng umaga , Mayo 16, 2012.

Sanggol na ipinanganak na suhi, patay sa Pacac District Hospital

ISANG Ginang ang nanganak ng suhi kahapon (Mayo 14, 2012) ng umaga sa Pacac District Hospital ngunit patay nang ilabas ang sanggol.

Ang Ginang ay kinilalang si Amy Carbonel, 43 at residente ng Barangay Lennec, bayan ng Guimba. Unang naglabor ito kahapon ng madaling araw sa kanilang tahanan at dinala sa ospital nang hindi ito mapaanak ng kumadronang tumitingin.

Magsasaka sa Pacac, biktima ng hit and run

 

HINDI na umabot na buhay sa pagamutan ang isang 41 anyos na magsasakang na -hit and run ng hindi malamang sasakyan sa harap ng Pacac High School, bayan ng Guimba, kahapon ng madaling araw (Abril 8, 2012).

Ang biktima ay nakilalang si Cresencio Palma y Cabatu, may asawa at residente ng naturang Barangay.

Motorsiklo sumalpok sa Ten Wheeler Truck, 3 Patay

 

DEAD on the spot ang 2 at  binawian ng buhay ang isa habang nilalapatan ng lunas sa Guimba General Hospital, matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang 10 wheeler closed Van, sa Barangay San Andres, bayan ng Guimba, noong Huwebes Santo ( Abril 5, 2012).

Ang mga biktima ay kinilalang si Romnick Castro at Don-don Sagun, kapwa residente ng Barangay Bonifacio, bayan ng Cuyapo habang ang isa pa ay hindi pa nakikilala.

Tagahanga ni Donaire, na-high blood ng tamaan ang iniidolo, Patay!

 

SA sobrang kasabikan sa panonood sa  iniidolong boksingerong si Filipino Boxer Nonito Donaire, isang taga-hanga nito ang nag-high blood  at na-knockt-out ni Kamatayan noong ika-pito ng Pebrero, araw ng Martes. sa Barangay Bibiclat, Bayan ng Alliaga.

Ang tagahanga ay kinilalang si Emiliano Aguilar, 64, may asawa at residente ng naturang lugar.

Isang karpentero sa ginagawang Guimba Maternity Clinic, natagpuang patay

 

WALA ng buhay nang matagpuan ang isang karpentero sa ground floor ng ipinapagawang Guimba Maternity Clinic sa De Ocampo St., Barangay Saranay, bayan ng Guimba, noong katapusan ng buwan ng Enero.

Ang biktima ay kinilalang si Norberto Imana Sr. y Sarga, 59, may asawa at residente ng Barangay Tayabo, Lungsod ng San Jose.

Sa impormasyong nakalap sa Guimba Police Station, dakong 6:00 ng umaga nang makita ni Jobert Imana, ang kanyang amang walang kagalaw-galaw sa pagkakatulog at ng kanya itong gisingin ay wala na pala itong buhay.

"Kristong" nawawala, natagpuang patay

 

NATAGPUAN na ang nawawalang "kristo' sa sabungan ngunit ito ay bangkay na.

Sa panayam kay Aling Merly Cristobal, hipag ni "Bubong" Alejandro, taga Barangay Bacayao sa bayan ng Guimba,  napanood sa TV ng, isang lingo na ang nakalilipas ng  isa nilang kaanak na may natagpuang bangkay sa isang bakanteng lote sa Barangay Sta. Cruz , lungsod ng Tarlac at ng kanilang puntahan  ang punerarya ay positibong nakilala si "Bubong".

Hepe ng tanod sa Barangay La Torre, Talavera, patay matapos pagbabarilin

 

PATAY ang Hepe ng tanod sa Barangay La torre,  Talavera, matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek, noong madaling  araw ng Linggo, Enero 22, 2012.

Ang biktima ay kinilalang si Randy Onera y Guillermo, 39, may asawa at residente ng Purok Sais sa nabanggit na Barangay.

Sa ulat na nakalap kay PO3 Ernesto Nagano ng PNP Talavera, may hawak ng kaso, dakong 11:30 ng gabi noong Sabado ang biktima ay dumalo sa kaarawan ng isang kabarangay na  nagngangalang Vener Solitario y Gloria.

Magsasaka, natagpuang lumulutang sa sapa

 

NATAGPUANG lumulutang  sa sapa ng Barangay Tampac Uno ang isang 76 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Roque,  noong Enero 7, 2012, ganap na 1:00 ng tanghali.

Ang biktima ay nakilalang si Ferdonio Vicente y Galapon, isang magsasaka.

Sa panayam sa kapatid ng biktima na si Virgilio Vicente y Galapon, may kubo sa bukid ang biktima kung kaya’t minsan ay doon natutulog kapag nagpapatubig ng bukid.

Lalaking lasing sa Partida Uno Nagbaril sa ulo Patay!

 

DEAD on arrival ang isang lasing na lalaki, matapos magbaril sa ulo sa labas ng kanilang tahanan sa Barangay Partida Uno, Bayan ng Guimba, kamakalwa, pagitan ng 1:00 -1:30 ng hapon.

Ang lalaki ay kinilalang si Reniboy Cayog alyas “Epoy”, 32, may asawa, isang tricycle driver at residente ng Purok 6 ng naturang Barangay.

Sa panayam sa kapatid nitong si Daisy Mirasol y Cayog, lasing umanong umuwi ang kapatid galing sa inuman.  Nang dumating ito sa bahay ay nagwawala umano sa hindi malamang kadahilanan. 

Bangkay ng Tanod sa Sta. Ana na natagpuan sa Cavite Nilunod sa putikan at pinalo sa ulo

 

NILUNOD sa putikan at pinalo  sa ulo ng matigas na bagay ang dahilan ng pagkamatay ni Jojo Miqui, Barangay Tanod ng Sta. Ana na natagpuang patay sa gilid ng kalsada ng palayang bahagi Barangay Cavite kamakalawa ng hapon.

Sa panayam kay Punong Barangay Dante Somera ng Sta. Ana, lumilitaw sa isinagawang awtopsiya sa bangkay ni Jojoa na nilunod ito sa putikanat pinalo sa ulo.  Patunay umano ang mga putik na nahinga nito at pagkakaroon ng bukol sa ulo.

Tanod ng Sta. Ana Natagpuang patay sa Cavite

 

ISANG  Tanod  ang natagpuang patay sa gilid ng kalasada ng  palayang bahagi ng Barangay  Cavite, bayan ng Guimba, kahapon.

Ang tanod ay kinilalang si Jojo Miqui, 40, may asawa, trabahador at residente sa Barangay Sta Ana.

Sa spot report na nakalap sa Guimba Police Station, ang bangkay ng tanod ay natagpuan ng isang nagngangalang Alberto Taday Y' Saclolo, Ingat-Yaman sa Barangay Camiing bandang 3:15 ng hapon.  Huling itong nakitang buhay noong tanghali ng Sabado

Bangkay ng pulubing natagpuan sa harap ng Municipal Plaza Wala pang nagke-claim

 

HANGGANG sa kasalukuyan ay wala pa ring kumukuha sa bangkay ng pulubing natagpuan sa harap ng Municipal Plaza ng Guimba noong ika-24 ng Agosto.

Ang bangkay na nakilala lamang sa pangalang "Manong" ay nananatili pa ring nasa pangangalaga ng St. Ives Funeral Homes at hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay  wala pang kumukuha sa bangkay, may isang linggo na ang nakakaraan mula ng ito ay dalhin doon.

Bangkay ng isang pulubi Natagpuan sa waiting shed ng Guimba Plaza

 

NATAGPUAN ng Guimba Rescuer ang isang pulubing wala ng buhay sa waiting shed sa harap ng Municipal Plaza, nitong umaga ng Myerkules, Agosto 24, 2011.

Ang pulubi ay nakilala lamang sa pangalang “Manong”, may sakit sa pag-iisip at pinaniniwalaang nasa edad ng 70-75 at payat ang pangangatawan.