palengke

Guimba Public Market muntik nang masunog, uling na bagong deliver, pinagmulan

Muntik na muling masunog ang Guimba Public Market. Kahapon, Marso 15, 2017, bandang 5:30 ng hapon, namataan ng ilang tindera ng gulay na may lumalabas na usok sa itaas ng tindahan ng bigas ni Gng. Ofelia Baldovino ng Sta Veronica.

Agad itong nalaman ni Konsehal Diosdado dela Cruz, may tindahan din malapit sa palengke. Agad na pinaki-usapan ni Konsehal ang mga tindera sa paligid na ilabas ang kanilang mga fire extinguiser. Walong extinguisher ang ginamit habang wala pa ang truck ng Bumbero. Itinutok sa siwang na nasa itaas na bahagi ng roll-up door.

UMAALINGASAW NA MABAHONG AMOY SA GINAGAWANG PALENGKE ng #GUIMBA INIREREKLAMO NG MGA TAONG DUMADAAN!

Matagal ng inirereklamo ng mga tao sa palengke ang mabaho, umaalingasaw na amoy na ito sa gilid ng ginagawang Guimba Public Market.
Bawat dumaan ay nagtatakip ng ilong upang hindi malanghap ang hindi matantong amoy na bulok na karne at tila patay na daga, malapit ito sa tindahan ng barbeque at bananaque.
Nakadagdag pa ang nakakasulasok na amoy kapag binubuksan ang kanal na may takip na flywood sa tindahan ng BBQ.
Nakatambak pa dito ang mga basurang hindi naman kaagad hinahakot. Masakit sa matang tingnan at mabaho pa.
Panawagan sa Task Force Palengke at sa Market Supervisor. Tingnan nyo naman ito at Ipalinis nang hindi nakakahiya ang mamayan ng Guimba!

 

Mga stall owners sa gilid ng Guimba Public Market, idinadaing ang mahinang kita dahil sa gawat

IDINADAING ng mga tindera sa Guimba Public Market ang kawalan ng kita dahil sa gawat. Walang namimimili at kung meron mang taong nagtutungo sa palengke ay patingin-tingin na lang sila sa mga tindahan ng mga accessories, alahas, cellphone, tsinelas, sapatos at damit. Maging ang mga nagtitinda ng pagkain ay nakararanas ng sobrang tumal sa pagbebenta gayong pagkain na ito na hilig ng mga pinoy.

Ayon kay Aling Mirriam Tomas, nasa daanan ng mga tao ang kanyang pwesto, masuwerte na raw kung may paisa isa pang bumibili ngayong panahon ng gawat. Aniya taun-taon ay tumitindi ang pagtumal marahil walang pera ang mga taong nanggagaling sa baryo. Maging sila ay tipid-tipid muna sa gastos, wala munang despatsadora na kasama sa tindahan hanggat kagawatan anang isang tindera ng accessories.

Market Code pinag-usapan ng Ehekutibo at Lehislatura ng Guimba

NAGPULONG ang ehekutibo at legislatura sa pangunguna ni Mayor Boyito Dizon at Vice Mayor Nestor Bernardino nitong Martes, 10:00 ng umaga, sa Sangguniang Bayan ng Guimba, kung saan pinag-usapan ang Market Code.

Giit  ni Mayor Dizon, dapat nang ipasa ang market code sa bayan ng Guimba bago matapos ang kanyang termino. Ilang dekada na raw kasi ang nagdaan ngunit hindi pa rin naipapasa ang batas na ito.

Para sa gagawing market code, pagbabasehan ang modelo ng Cuyapo at Talavera at inatasan ni Mayor ang kanyang Municipal Budget Officer, Accountant at Treasurer para gumawa ng pag-aaral hinggil dito na isusumite sa Sangguniang Bayan.

Samantala, nagkasagutan si Konsehal Felix Lumang at Mayor Dizon sa gitna ng pagpupulong. Sina-suggest ni Konsehal Lumang na bawat kontrata ng mga stall ay dapat raw na may renewal. Ang argumento naman ni Mayor Dizon ay wala pang kontrata kaya papaano magkakaroon ng renewal.

Madayang timbangan sa palengke Umabot na sa 200 ang nakumpiska

UMAABOT na sa humigit-kumulang 200 timbangang madaya ang nako-kumpiska ng mga inspector sa Guimba public Market.

Sa panbayam kina Rodolfo Refugia at Bienvinido Salamanca, mga inspector ng palengke, ang mga nasabing timbangan ay naka-imbak sa kanilang bodega at patuloy ang kanilang inspeksyon dahil may mga tindera umano na sadyang pasaway.

Nabatid sa 2 inspector, na bukod sa madayang timbangan, madaya rin ang bandeha na gamit sa timbangan. Tinatapalan umano ng vulcaseal paikot ang bandeha para bumigat ng halos 1/4 kilo. Paalala nila sa mga mamimili, tignan mabuti ang bandeha at timbangan.

Samantala, sa kasalukuyan naman ay walang "Timbangang Bayan" sa palengke dahil sadya umanong sinisira  ito kung saan ay ilang beses na silang nagpalit.

Gulay sa palengke ng Guimba, naging mabili, tindera kinakapos ng supply

KUNG kailan gumanda ang aming benta at kita, kumonti naman ang aming paninda. Ito ang pahayag ng ilang tinder sa Guimba Public Market kaninang umaga (Nobyembre 26, 2012).

Inspector sa palengke, pinagmumura ng tinderang nahulihan ng madayang timbangan

 

ISANG  inspector sa palengke na nanghuhuli ng timbangang may daya ang pinagmumura ng isang tindera ng isda kaninang umaga (Agosto 2, 2012) sa Guimba Public Market, matapos na mahuling may daya ang timbangang ginagamit nito.

Ang inspector ay kinilalang si "BakBak" Refugia, 47 anyos, may asawa at residente ng Sta. Veronica District.

Sa pahayag ni Refugia sa Bahay Pamahalaan ng Sta. Veronbica, dakong 8:30 ng umaga nang sila ay magsagawa ng inspeksyon sa wet section ng palengke.

Misis ni Konsehal Ronnie Samson, 2 beses nakabili ng karneng Botcha

 

DALAWANG beses nakabili ng karneng botcha ang misis ni Konsehal Ronnie Samson sa Guimba Wet Market. Ito ang nabatid sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan na naganap kahapon, Marso 5, 2012.

Ikinuwento  ni Konsehal Ronnie Samson na 2 beses nakabili ang misis nito ng karne ng manok na mayroong hindi magandang amoy na pinaniniwalaang nitong bothca, sa iisang tindahan sa palengke ng Guimba dahilan para hindi na nila ito lutuin at baka aniya mas magkagastos pa sila ng malaki sa pagpapagamot  kapag nagkasakit.

Hindi maayos na daanan sa wet section ng Guimba Public Market Dalawang taon ng inirereklamo

MAHIGIT dalawang taon ng nirereklamo ng mga tindera sa wet section ng Guimba Public Market ang daanan mula sa magtitinapa palabas sa may bilihan ng yelo, sa Bagain St., kung saan mabaho, nagpuputik at binabaha tuwing tag-ulan.

Pinalaking tindahang kariton sa harap ng palengke Inirereklamo ng mga jeepney drivers

INIREREKLAMO ng mga jeepney drivers na biyaheng Guimba-Cabanatuan ang isang tindahang kariton sa harap ng palengke na lumaki at umusad ng kaunti sa kalsada.

Ayon sa mga jeepney drivers, nagiging sanhi ng traffic ang nasabing tindahan na tuwing uwian ng mga estudyante ay nagkakaipitan dahil sa sikip ng daan. Hinihiling nila na tanggalin  ang nasabing tindahan dahil kapag nagkataong may madisgrasya ng dahil sa sikip ng daan ay silang mga driver at motorista ang may sagutin sa nadisgrasya at hindi ang may-ari ng tindahan.

Mga sagabal sa paligid ng Pamilihang Bayan ng Guimba Ipagbabawal na

 

IPAGBABAWAL na ang pagtitinda, pagparada o paglalagay ng anumang nakasasagabal sa mga kalyeng pumapaikot sa luma at bagong pamilihang bayan ng Guimba,kabilang ang kahabaan ng Medina St. Sarmiento St, Danzalan St. at Bagain St. sa oras na maaprobahan ng Sangguniang Bayan ang "clearing ordinnce " sa palengke.

Zoning sa palengke ng Guimba Planong Baguhin

 

PLANONG  baguhin ng Sangguniang Bayan (SB) ang zoning per section sa palengke ng Guimba dahil sa aktawl ay taliwas umano  sa zoning map na ginawa noon.

Ayon kay Konsehal Tony Agapito, sa loob daw ng palengke, lalo na sa old market, halu-halo at hindi na naka-section ang mga  tindahan. Ang dating pwesto ng tailoring o tahian ay naging tindahan na ng pataba.