ofw

ISANG OFW NA TUMAKAS SA AMONG ARABO SA RIYADH SAUDI ARABIA, NAKAUWI NA SA KANYANG PAMILYA!

NAKAUWI na sa kanyang pamilya ang Pinay OFW na si Donna Ortiz Penaflor , 38 years old, na tumakas sa kanyang among Arabo sa Riyadh Saudi Arabia noongEnero 2017.
Kamakalawa, bumisita sa ating himpilan si Donna upang magpasalamat sa mga tumulong at kanyang inihayag ang totoong sinapit sa Saudi.

Kwento ni Donna habang ito ay lumuluha, binantaan siyang papatayin ng kanyang amo at hindi pinapasweldo, wala siyang maipadala sa pamilyang umaasa sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit siya tumakas sa mag-asawang among Arabo na kinilalang sina Mohammad Abdulhai Alganam at Manual Saad Alganam ngunit sa kanyang pagtakas ay kinasuhan ng pagnanakaw at inanunsyo sa radio, tv at pahayagan ng kanyang amo na ito ay wanted.

OFW sa Riyadh hindi na pinapa-sweldo Pinagbintangan pang nagnakaw Nagpakupkop sa Embahada

TUMAKAS sa kanyang amo at kasalukuyang kinukupkop ngayon ng Embahda ng Pilipinas sa Riyadh ang OFW na si Donna Ortiz Penaflor, 38, may asawa at 2 anak.

Si Donna ay magli-limang buwan nang naninilbihan sa Riyadh at sa salaysay ng kanyang amang si G. Ernesto Javier Ortiz, residente ng Barangay Lennec, pinagbintangan ang kanyang anak ng kanyang mag-asawang among Mohammad Abdulai Alganam at Manual Saad Alganam ng pagnanakaw.

Ayon pa kay Mang Ernesto, nang maka-isang buwan sa pagta-trabaho si Donna noong Setyembre 2016, sa mga Alganam ay hindi na ito binigyan ng sweldo. Naisipan umano ni Donna na tumakas nang pagbantaan na itong papatayin.

Sa kasalukuyan, si Donna ay nasa pangangalaga ng Philippine Embassy sa Riyadh. Hawak niya ang kanyang passport at humihingi ng tulong para makauwi na ito s kanyang pamilya dito sa Guimba.

Pamilya ni Mary Jane Veloso masayang bumalik ng Nueva Ecija galing Indonesia

DUMATING  na ang pamilya ni Mary Jane Veloso nito lamang January 15, 2016 bandang alas dos ng madaling araw sa Cabanatuan City, matapos ang apat na araw na biyahe sa Jogjakarta, Indonesia, kung saan binisita nila si Mary Jane upang kumustahin ang kalagayan kasabay ng pagdiriwang ng ika-32 kaarawan nito.

Sinamahan ng DFA ang pamilya Veloso na kasama rin ang Philippine and Indonesian lawyers at Migrante na dumating noong January 11, 2017 sa Indonesia at kinabukasan ay binisita si Maryjane (January 12, 2017), nagdaos ng simpleng birthday celebration sa loob mismo ng kulungan sa Wirongunan Lembaga prison sa Jogjakarta, Indonesia.
January 13, muli silang bumalik sa kulungan at ginugol ang buong umaga para makasama si Maryjane at nagpalitan ng kwento .

Minaltratong OFW sa Saudi Arabia na isang Guimbanian nakauwi na sa Pilipinas!

  1. NAKAUWI na rito sa Pilipinas noong nakaraang Lunes, Januarey 9, 2017 si Julie Vale...roso- Gamit, 38 years old, may asawa at isang Overseas Filipino Worker sa Riyadh, Saudi Arabia, na tumakas sa kanyang Arabong amo noong nakaraang taon, dahil sa pagmamaltrato at tangkang panggagahasa sa kanya.
  2. Malayo sa karaniwang dumadating sa airport na OFW, isang bag ang daladala ni Julie nang salubungin ng kanyang nanay na si Felomina Valeroso, kasabay ang apat pang OFW na pawang mga walang pamasahe pauwi sa kanilang mga probinsya, kaya nagsiksikan na lamang ang lima sa taxi ng pamangkin ni Nanay Felomina na kanilang sinakyan na tumuloy sa opisina ng OWWA para makahingi ng pamasahe pauwi ng probinsya.

OFW sa Kuwait na taga Nampicuan, nais ng umuwi

ISA na namang Overseas Filipino Worker na taga Guimba ang nais umuwi sa Pilipinas dahil minamaltrato ng kanyang amo sa bansang Kuwait

Si Dina Pagatpatan, 39, may asawa at residente ng Barangay Recuerdo, Nampicuan, Nueva Ecija ay namasukang Domestic Helper sa kagustuhang iahon sa kahirapan ang pamilya.

Sa salaysay ng anak na si Alvin Pagatpatan, lumipad patungong Kuwait ang kanyang nanay na si Dina nitong April 27, 2016. Aniya, dati na umanong nangibang bansa ang kanyang magulang at hindi ito ang una nyang pagkakataon na mamasukan bilang isang katulong, kaya kampante sila na nasa maayos na kalagayan ang kanyang nanay.

OWWA- San Fernando Pampanga, nangako na gagawa ng aksyon sa kaso ni Julie Valeroso Gamit!

AGOSTO 26, 2016, alas 5:00 ng umaga, bumiyahe patungong OWWA-San Fern...ando, Pampanga si Nanay Felomina Valeroso, ina ng OFW na si Julie Valeros-Gamit, isang Domestic Helper sa Saudi Arabia. Kaagad naman ininterview ng taga OWWA si Nanay Felomina at inalam ang kalagayan ng kanyang anak.

Pangako ng OWWA-Pampanga kay Nanay Felomina, kaagad nilang uugnayan ang POLO-OWWA sa KSA upang mai-locate si Julie kung saang bahay kalinga naroroon. Hindi na kasi makontak ng pamilya si Julie Gamit simula noong Hulyo 11, nang ito ay tumakas sa kanyang among arabo dahil sa pambubugbog at tangkang panggagahasa dito.

Napag-alaman sa OWWA Pampanga na hindi na pala nag-oopereyt ang Speed Continental Agency, ang recruitment agency ni Julie dahil tinanggalan na ito ng lisensya noon pang July 25, 2016.

ISANG OFW TAGA GUIMBA….TUMAKAS SA ARABONG AMO!

LUMIPAD patungong Saudi Arabia si Julie Valeroso-Gamit, 37 years old, taga Barangay Manacsac, Guimba noong March 24, 2016 para magtrabaho bilang Domestic Helper sa kagustuhang tulungan ang pamilya at mapag-aral ang anim na anak. Isang buwan pa lamang sa Saudi ay hindi na ibinigay ng kanyang amo ang kanyang sahod at wala rin siyang trabaho hanggang sa kasalukuyan.

Sa kwento ni Julie sa kanyang nanay na si Felomina Valeroso, pinagtangkaan daw itong halayin ng among Arabo ngunit nanlaban ito kaya bugbog sarado ang kanyang sinapit.

Bago ang tangkang panghahalay, inirereto raw si Julie sa kapatid ng amo para sila ay magsama na kanya namang inayawan. Ayaw masira ni Julie ang pagtittiwala sa kanya ng pamilya sa Pilipinas kaya tumakas ito.