manggagawang-bukid

DSWD Central Office positibo ang Feedback sa mga binisitang mga Communal Vegetable Garden sa Guimba!

Kahapon, ika-9 ng Marso 2017, ang itinakdang pagbisita at monitoring ng Office of Secretary Judy Taguiwalo ng Department of Social Welfare and Development Central Office, upang makita ang pagsisikap ng Liga ng mga Mangagawang Bukid (LMB) sa kanilang proyketong Communal Vegetable Garden at upang makipagkonsultahan na rin sa mga local leaders ng mga barangay kasama ang Alyansa ng magbubukid sa Gitang Luzon-Nueva Ecija at Radyo natin Guimba.

"Bakit tayo naghihirap" -Neri Colmenares @ Kampuhang Bayan

See video

Pahayag ni DSWD Usec Hope Hervilla sa Kampuhang Bayan (Mahalagang Mapakinggan)

See video

Mga manggagawang-bukid nagluto ng lugaw habang nakikipag-dayalogo sa Sangguniang Bayan ng Guimba

IDINAAN sa pagluluto at pagkain ng lugaw ang protesta ng mga manggagawang bukid (MB) sa Guimba sa bisinidad ng Munisipyo upang ipakita sa publiko at mga nanunungkulan ang idinadaing nilang matinding kagutuman.

Nagtipon ang mahigit 200 manggagawang bukid na karamihan ay mga kababaihan sa harap ng Sangguniang Bayan Hall at doon ay ipinaramdam nila ang tunay na sitwasyon ng kanilang hanay. May isinabit na streamer na nakalagay ang mga katagang "kalderong walang laman sikmurang kumakalam, lugaw ang tanghalian" at ilan pang mga panawagan.